Tayo?

11:06 PM Cassie 1 Comments

Mahal kita kahit hindi ko ginusto;
mahal kita kahit hindi sadya;
mahal kita kahit hindi dapat;
mahal kita kahit hindi mo alam.

Sabi nila, walang kwenta ka,
di naman ako kumontra,
kasi totoo naman talaga--
wala ka talagang kwenta pero mahal kita.

Sabi nila, 'di ka marunong magseryoso,
alam ko naman eh,
sa totoo lang, masakit,
kaya lang, mahal nga talaga kita.

Pero bakit ko ba iniisip ang sinasabi ng iba?
ako naman ang nagmamahal, hindi sila.
ako naman ang nasasaktan, hindi sila.
siguro nga nag-aalala lang din sila.

Pero din naman, minsan nakakapagod na.
paulit-ulit umaasa sa mga bagay na wala akong
kakayahang hawakan,
sa mga pangyayari na hindi ko na mababago,
at sa mga taong hindi naman akin.

Bakit ganon, ikaw pa rin matapos lahat?
konting tiis nalang aalis na ako,
iiwan na kita at ang mga kakaunting alaalang meron tayo,
kasi pakiramdam ko pag 'di ko iniwan,
mababaliw na naman ako kakaasa, kakaisip
na pwede pa-- pwede pang magkaroon nang tayo.

Matatapos na ang maikling kwento natin
na parang ako lang ang tauhan,
'di mo pa rin alam,
'di mo pa rin ramdam,
na ikaw naman talaga,
o hindi nga ba talaga?

Ayokong malaman ang sagot,
dahil posibleng oo, matagal mo nang alam,
pero di mo na pinansin
kasi una palang, wala lang naman talaga ako sa'yo
at wala ka naman talagang balak subukang mahalin din ako.

You Might Also Like

1 comment:

  1. MGM Resorts (MGM) - Jackson County, Michigan
    MGM Resorts (MGM) announced today it has 세종특별자치 출장샵 entered into an 군포 출장마사지 agreement to acquire MGM 안동 출장안마 Resorts International (MGM) for 계룡 출장안마 an additional 평택 출장안마 $25.1

    ReplyDelete