Patawad, mahal ko

3:38 PM Cassie 0 Comments

Sa iyong pag-alis,
alam kong hanggang dito nalang tayo,
alam kong wala nang karugtong ang kwento natin,
alam kong dito na matatapos ang lahat.

Gustuhin ko mang pigilan ka,
hindi ko magawa.
Alam kong hindi ka na magpapapigil pa
at alam kong wala akong karapatan
humingi ng isa pang pagkakataon.
Nagkulang ako, alam ko.
Nagpabaya ako, nasaktan ka.
Nagsisi ako, pero huli na.

Mahal kita,
mahal na mahal
pero hindi ko naiparamdam.
Nakaligtaan kong magbigay ng kasiguraduhan sa'yo.
Nalimutan kong ipaalala sa'yong hawak mo ang puso ko.
Napagod ka.
Nasaktan ka.
Hindi kita inalagaan.
Hindi kita naipaglaban.

Patawarin mo sana ako, mahal ko.
Mahal kita, totoo yun.
Kung mayroon mang totoo sa lahat
nang hindi ko naipakita,
yun ay ang katotohanang
mahal kita.
Patawad dahil binigo kita.
Patawad dahil sa tingin mo'y
hindi ko masuklian ng patas
ang iyong pag-ibig.
Hindi ko namalayang
nababasag na pala kita
ng unti-unti.
Basag na basag
hanggang hindi na kita mabuo.
Basag na basag
na noong sinubukan kong buuin ka
ay ako mismo ang nasugat.

Hindi ako ang nararapat sa'yo.
Alam ko na yun ngayon.
Kaya't sa paglayo mo mula sa akin
tandaan mo sanang mahal kita
at lagi kang may espasyo sa aking puso,
sa aking buhay.
Salamat dahil minahal mo ako
ng buong-buo
bago ka man lang bumitaw.

Muli ay 
patawad, mahal ko.
Mahal pa rin kita.

You Might Also Like

0 comments: