Pwedeng kiligin, bawal umasa

7:29 PM Cassie 0 Comments

Minsan alam naman talaga nating bawal eh,
na hindi pwede
dahil para sa'yo,
isa syang taong perpekto para sa lahat,
isa syang bituing hindi maaaring maabot.
Pero bakit nga ba naghihintay ka pa rin?
Bakit nga ba nasaktan ka pa rin?
Bakit nga ba nagmomove on ka kahit
di naman naging kayo?

Kasi umasa ka.

Kahit pa nga ilang beses mong sinabi sa iba na,
"ah wala crush ko lang yun"
pero bakit pag ikaw nalang mag-isa,
alam na alam mo sa sarili mong di lang yun ganon?

Bakit kahit una palang,
tinatak mo na sa isip mong hindi magiging kayo
at kahit kailan, walang magiging kayo,
nasaktan ka pa din?

Kasi nga umasa ka.

Umaasa tayo kahit alam nating marahil ay imposible,
marahil ay hindi mangyayari.
Isang ngiti nya lang, natutunaw ka na.
Isang salita nya lang, pakiramdam mo, inaalok ka na ng kasal.
Isang lapit lang sa'yo, parang mahihimatay ka na.
Yun sya sa'yo.

Umaasa tayo dun sa pinakamaliit
na pag-asang pinapakita at pinaparamdam nya.
Pinanghawakan natin ang mga bagay
na wala naman palang halaga sa kanya.
Hinayaan natin ang sarili na mahulog nang mas malalim,
kahit malabo naman yung pinapakita at pinaparamdam nya.
Akala kasi natin, yun na.
Yun na ang start ng forever natin.

Umaasa tayong kahit sinabi mong hindi pwede,
sana balang araw, maging pwede na.
Naghihintay tayo na baka isang araw,
break na sila ng girlfriend nya
at pwedeng tayo naman ang pumalit sa puso nya.

Pero kasi,
minsan hindi lang yun ganon eh.
Minsan kahit gaano pa tayo maghintay,
kahit gaano pa tayo magtiyaga,
kahit gaano pa tayo magpapansin,
wala ring silbi
kasi kung talagang gusto ka nya,
sana matagal na.
Sana di na umabot sa ganito.
Buti sa iba effective.
Eh pano kung dun sa crush mo hindi?

Ayan tuloy,
umasa ka na naman.

Kaya yung tip nga,
pwedeng kiligin, bawal umasa.
Kasi kung kayo talaga ang para sa isa't isa,
dadating at dadating kayo dun.
Kung hindi man,
pasensya nalang,
move on na tayo, ha?

#brokenheartedbiyernes

You Might Also Like

0 comments: