Bibitaw ka rin

9:31 PM Cassie 0 Comments

Alam ko,
ilang beses akong nagkamali,
ilang beses kitang nasaktan.
Hindi ko namamalayan,
unti-unti ka na palang umaayaw.
Akala ko kasi 'di ka bibitaw,
'di ka mapapagod.
Akala ko lang pala yun.



Minsan kasi,
kahit gaano pa natin kamahal ang isang tao,
dadating tayo sa puntong
mapapagod tayo,
magtatanong tayo,
manghihinayang tayo,
lalo na kung sa pag-ibig na yun,
ikaw nalang ang lumalaban,
ikaw nalang ang kumakapit.

Minsan pala
kahit buong buhay nya pinapaikot nya sa'yo,
maaari din syang tumigil;
kahit na halos sambahin ka na nya,
tatayo at tatayo din sya sa pagkakaluhod sa'yo;
kahit na hawak mo na ang puso nya nang buong-buo,
maaari pa din syang bumitaw 'pag nadurog mo ang puso nya.

Lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan.
Bawat segundo, may maaaring magbago.
Ang mga bagay na akala mo'y nakalaan sa'yo
ay maaaring mawala bigla.
Ang mga taong akala mo'y sa'yo lang
ay maaaring mapunta sa iba.
Ang mga hindi mo inaalagaan,
naglalaho kahit gaano ka pa kahalaga sa kanila.

Hindi ko naisip yun.
Kung oo man, huli na.
Huli na, mahal ko dahil lumisan ka na.
Kahit gaano ko pa gustong ibalik ang lahat sa dati,
itama ang mga pagkakamali
at mahalikan kang muli sa iyong pisngi,
hindi na pwede.
Binitawan pala kita nang di ko nalalaman.
Hindi ko naramdamang nahuhulog ka na pala
habang inaabot ko ang pangarap ko,
habang hinahanap ko ang sarili ko;
nahuhulog ka na pala habang wala ako
upang sumalo.

Kasalanan ko, alam ko.
Kasalanan ko na may ibang sumalo sa'yo.
Sigurado akong mahal mo ako,
mahal na mahal.
Pero alam kong may karapatan kang bumitaw,
dahil ako ang unang bumitaw.

Kung pwede ko lang ayusin ang nasira,
ibalik ang nawala,
gawin ang nakagawian.
Ngunit wala ka na,
bumitaw ka na rin.

You Might Also Like

0 comments: